International News
Rape incidents sa Nigeria nagtriple sa lockdown, state of emergency idineklara
LUMOBO ang bilang ng rape incidents at karahasang sekswal sa mga kababaihan sa panahon ng coronavirus lockdown sa Nigeria kaya nagdeklara ng state of emergency ang mga state governors.
Nanawagan ang 36 na kasapi Nigerian Governor’s Forum (NGF) sa mga otoridad na lumikha ng listahan ng mga sex offenders at lagdaan ang dalawang federal laws na magbibigay ng mabigat na parusa laban sa mga salarin.
Ito ay nangyari nitong Huwebes matapos ang ilang araw na protesta ng mga grupo ng kababaihan at iba pa sa social media gamit ang hashtag na #WeAreTired.
“I know we have always had rape in this country, but with the lockdown of people in homes because of COVID-19, women and children are locked down with their abusers,” ani minister of women’s affairs, Pauline Tallen.
Hindi na binanggit ng mga opisyal kung ilan ang bilang ng kaso ng rape na nangyari sa kasagsagan ng lockdown nitong Marso pero hiningi nila ang mga impormasyon sa mga hepe ng pulisya ukol sa mga hakbang na ginagawa nila kaugnay ng lumalalang kaso ng karahasan sa kanilang bansa.
Una rito, ikinagulat ng mga Nigerian ang panggagahasa at pagpatay sa isang estudyante sa isang simbahan sa Benin City.