Connect with us

Aklan News

MAHIGIT P17K NA PERANG ITINAGO SA ALKANSYA NG 2 TAON, NINAKAW NG BATA

Published

on

Napasugod sa Kalibo PNP station pasado alas 10:00 kanina ang isang trisekel driver matapos umanong looban ang kanyang bahay at nakawin ang mahigit P17,000.00 na perang itinago umano nito sa alkansya sa loob ng 2 taon sa kanilang boarding house sa P1 C.Lasera St., Poblacion, Kalibo.

Nakilala ang biktimang si Jerry Villanueva, 49 anyos, habang hindi na papangalanan pa ang 15 anyos na suspek, pawang residente ng nasabing lugar.

Ayon kay Jerry, nakalagay sa ‘doggy bank’ na alkansya at lata ang kanyang pera na itinabi nito upang may mahugot umano silang mag-asawa sa oras ng kagipitan, subalit nanlumo ito nang matuklasang ninakaw pala ang nasabing pera.

Samantala, sinasabing may nakakitang kapitbahay sa suspek kahapon nang mabasag ang bitbit nitong doggy bank kung kaya’t nilapitan umano nito ang bata.

Tinanong umano niya ito kung kanino ang pera at saan galing, subalit inako umano niya ito na kanyang ipon.

Kaugnay nito, kaagad ring nag-imbestiga ang biktima bago pumunta sa presento ng pulis, subalit dumating din kinalaunan sa presento ang ama ng suspek dala ang bata at isang latang may mga barya.

Isinauli ito ng ama ng bata sa biktima, subalit hindi na naibalik pa ang tinatayang nasa P16,000.00 na pera matapos mabasag ang doggy bank.

Hindi na rin naman umano magsasampa ng reklamo ang nasabing trisekel driver.