International News
Gamot kontra COVID-19, Sosolohin ng Amerika
Tanging sa Amerika lang magiging available ang gamot na remdesivir, isang antiviral drug na dinivelop panlaban sa COVID-19.
Ayon kay Rena Conti, isang healthcare economist sa Boston University, ang nasabing gamot ay nasa ilalim ng US-first policy, ibig sabihin ay sa USA lamang muna ito ipapamahagi bago ibigay sa ibang bansa.
Ang nasabing gamot ay ibebenta lamang sa US hanggang Setyembre, kung saan nasa 500,000 treatment course ang hinanda ng Gilead Science, ang manufacturer ng remdesivir.
Ang gamot ay ang natatanging treatment na nakapagpababa ng recovery time para sa mga pasyenteng malubhang tinamaan ng COVID-19, na ayon sa sinagawang clinical trial ay natatapyasan ng apat na araw ang duration para gumaling.
Sa Amerika, magkakahalaga ang nasabing gamot ng $520 kada vial, na para sa limang araw na treatment ay papalo sa $3,120 o abot sa P155,000 para sa mga pasyenteng may private insurance.
Article: ABANTE