Connect with us

Aklan News

15 HOURS THEORETICAL DRIVING COURSE, IPATUTUPAD NG LAND TRANSPORTATION OFFICE AKLAN

Published

on

Ipatutupad na ng Land Transportation Office Aklan ang 15 hours theoretical driving course simula August 3, 2020.

Sa pakikipag-usap ng Radyo Todo kay Engr. Marlon Velez ng LTO Aklan sinabi nitong magpapatupad ng bagong alituntunin sa pagkuha ng lisensya para sa mga aplikante bago ito mabigyan ng student permit. Kailangang munang mag enroll ang isang aplikante sa Driving School bilang bahagi ng requirements.

Iisa pa lamang aniya ang accredited driving school dito sa Aklan na matatagpuan sa Brgy. Tigayon, Kalibo. Dagdag pa nito madaragdagan pa umano ang bilang kung saan sa kasalukuyan ay may nagpapa-accredit pa.

Kaugnay nito sa oras na matapos ang 15 hour course ay bibigyan ng certificate of completion ang aplikante na magsisilbing karagdagang requirements sa pagkuha ng student permit.

Samantala ang mga magrerenew naman ng non-professional at professional driver’s license ay obligado ding mag-aral ng 5 hanggang 8 oras para sa walang mga trabaho at sa may trabaho naman ay 2 hanggang 3 oras kada araw. Sinisigurado rin nilang sumailalim sa masusing training ng LTO ang mga instructor.

Ang lahat din umanong nakakuha na ng student permit bago ang buwan at araw ng July 1 ay hindi na kailangang sumailalim sa 15 hour course.

Ipinapaabot din ni Engr. Velez na maging responsable sa pagsunod ng batas trapiko para maiwasan ang ano mang aksidente sa daan.