Connect with us

Aklan News

OPISINA NG MKWD, PANSAMANTALANG ISASARA MATAPOS MAG POSITIBO SA COVID 19 ANG ASAWA NG ISA SA KANILANG EMPLEYADA

Published

on

Kalibo – Pansamantala munang isasara ang buong ground floor ng Metro Kalibo Water District (MKWD) simula bukas July 17, 2020.

Ito ang kinumpirma sa exclusive interview ng Radyo Todo kay Atty. Ariel Gepty, MKWD Chairman of the Board.

Ayon kay Atty. Gepty, ito ay matapos magpositibo sa COVID-19 ang asawang seaman ng isang empleyada na nakatalaga sa billing section ng tanggapan.

Salaysay ni Gepty, pumunta ng Iloilo City ang seaman bandang katapusan ng Mayo at nagtagal doon ng isang linggo, umuwi sa Aklan at namalagi ng halos isang buwan.

July 10, pumunta ng Manila sakay ng roro vessel. Kinabukasan nagpa RT-PCR test ito dahil kailangan para sa kanyang pagsampa uli sa barko subalit lumabas ang resulta kahapon na positibo ito sa COVID 19.

Agad umano nitong tinawagan ang kanyang misis para ipaalam ang resulta dahilan upang magpaalam na rin ang empleyada na hindi muna makakapasok sa opisina ngayong araw.

Agad din umanong nag coordinate sila Gepty kay Dr. Cornelio Cuachon at pinayuhan sila na i- swab test ang lahat ng nakasalamuha nito sa opisina pati na ang empleyada bukas.

At bilang precautionary measures ayon kay Gepty hindi na muna sila tatanggap ng magbabayad o mag a-apply ng water connection. Samantala limitado na rin ang transactions sa ibang departamento.

Isasailalim rin sa mandatory 14- day quarantine ang lahat ng mga empleyado na nakatalaga sa ground floor.

Magbabalik umano ang kanilang operasyon sa oras na may clearance na mula sa PHO.

Humihingi rin sila ng paumanhin at pang unawa sa kanilang mga kunsomidor dahil sa pangyayari.

Pwede naman umanong magbayad ang mga concessionaires sa kanilang paying stations sa Palawan Pawnshop at City Mall.

Continue Reading