Connect with us

National News

LIMITED FACE-TO- FACE CLASSES, IPAPANUKALA NG DEPED KAY PRES. DUTERTE

Published

on

DepED-logo

Nakatakdang ipe-presenta ng Department of Education bukas July 20, ang proposal kay Pres. Rodrigo Duterte na nagsa-suggest ng limited face-to-face classes.

Nauna ng ibinunyag ni DepEd Sec. Leonor Briones sa Laging Handa public briefing ang proposals at suhestyon ng DepEd na payagan ang face-to-face classes lalo na sa mga low risk areas.

Kahit bukas ang DepEd sa nasabing proposals, pinanindigan ni Briones na limitado lamang ang face-to-face classes at kung maaprobahan, pwede lang ito sa mga eskwelahang nasa low risk areas na maka accomodate ng social distancing, may regular na suplay ng tubig, proper ventilation, handwashing facilities at may sapat na supply ng mga gamot para sa mga estudyante at mga guro.

“It does not mean that all those in low riak assessment can do this. There should be a careful evaluation before we allow a limited face-to-face sesseions,” pahayag ni Briones.