Connect with us

International News

26 NASAWI SA BAR ATTACK SA SOUTHERN MEXICO

Published

on

Police officers guard the scene outside a bar where more than 20 people died in an overnight attack, in Coatzacoalcos, Mexico [Felix Marquez/AP Photo]

Hindi bababa sa 26 katao ang nasawi sa arson attack sa isang Mexican bar sa Gulf coast city ng Coatzacoalcos, Veracruz.

Sugatan naman ang 11 na indibidwal sa naganap na insidente, nitong Martes ng gabi.

Batay sa prosecutor’s office, 10 kababaihan at 16 na kalalakihan ang namatay sa pang-aatake.

Kinilala ng pulisya ang establisyemento na “Bar Caballo Blanco,” or “White Horse Bar.”

Sinabi ng mga survivors, pinaniniwalaang gang members umano ang mga kalalakihang umatake sa bar.

Ayon sa ulat ng Mexican Media, pinaulanan ng bala ang bar at tinapunan ng Molotov cocktails ang loob nito.

Sa pahayag ni President Andrés Manuel López Obrador sa kanyang daily morning news conference, pumasok sa “Bar Caballo Blanco” ang mga suspek at isinara ang mga pintuan maging ang mga emergency exits at saka nagpasiklab ng apoy sa nasabing lugar.

Saad naman ni Veracruz regional governor Cuitláhuac García, tinitiyak ng pulisya na mahuli at papanagutin ang mga umatake.

Samantala, napag-alamang iilan sa mga suspek ay dati nang naaresto at kalalaya lamang kamakailan.