Connect with us

Iloilo News

Iloilo City Mayor Jerry Treñas, nabahala sa sulat ng mga doktor sa Bacolod kay Pres. Duterte  

Published

on

Photo courtesy| PNA by Arnold Almacen/City Mayor’s Office

NABAHALA si Iloilo City Mayor Jerry Treñas sa sulat na ipinadala ng mga doktor sa Bacolod City kay Presidente Rodrigo Duterte na humihiling na isailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Bacolod sa loob ng dalawang linggo dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

 

Sinabi ni Treñas na naalarma siya dahil mismong mga doktor na ang humihiling na isailalim ang lugar sa ECQ.

 

Ayon pa kay Treñas, ito ang kanyang ginawang basehan sa muling pagsuspende sa mga biyahe ng fastcraft mula sa Iloilo pa Bacolod simula ngayong araw.

 

Laman ng sulat ng mga doktor sa Bacolod City na kailangan limitahin ang paggalaw ng mga tao sa lugar para magawa nila na masugpo ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

 

Nabanggit pa sa sulat na ang Bacolod City ang may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa Western Visayas at “few steps” na lang ay maaari na itong maging sunod na epicenter ng virus.

Via: Aksyon Radyo Iloilo