National News
‘2,000 LSIs sa Rizal Stadium, makakauwi na sa Hulyo 30’ — DILG
Makakauwi na sa kani-kanilang probinsya sa Hulyo 30, 2020 ang mahigit 2,000 na locally stranded individuals (LSIs) na pansamantalang nanatili sa Rizal Memorial Stadium sa Manila ayon kay Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Año.
“Siguro mga more or less nasa mga 2,000 ang naiiwan sa Rizal Sports Complex at ihahatid natin ito hanggang Huwebes ang pinakatarget natin dito,” pahayag ni Año.
Dagdag pa ng kalihim mga taga-Zamboanga province ang karamihang stranded persons sa stadium.
“Pinakamarami kasi Zamboanga. ‘Yung Zamboanga kasi parang hub din yan,” saad ni Año.
Sinabi din ng kalihim na pinaplano na ng gobyerno na maglagay ng iba’t ibang waiting venues per region upang maiwasan ang overcrowding.
“Sa susunod ay iba iba na ang venues ng iba’t ibang region. Kung limang regions, limang sites ang ipe-prepare natin, para di magkumpol kumpol,” ani Año.