Capiz News
‘Poor performance’: OIC ng Capiz Health Office nais paalisin sa pwesto
Naghain ng isang resolusyon ang League of Municipalities in the Philippines (LMP) dito sa Capiz para paalisin sa pwesto si Dr. Leah del Rosario bilang Officer-in-Charge (OIC) ng Provincial Health Office.
Ang resolusyon ay nilagdaan ng 12 mula sa 16 mga alkalde kasunod ng kanilang pagpupulong. Ang mga hindi naglagda ay mga mayor ng Pilar, President Roxas, Dao, at Panay.
Batay sa resolusyon na isinumite ng liga kay Governor Nonoy Contreras, ‘poor performance’ ang rason bakit nais nilang paalisin sa pwesto ang OIC Health Officer ng probinsiya.
Ayon kay Governor Contreras, wala naman siyang reklamo sa performance ni Dr. del Rosario na kasalukuyang naka-sick leave. Gayonman, may mga napipisil na siyang pwedeng pumalit sa opisyal.
Samantala, sinabi ng gobernador na pag-uusupan pa ng Inter-Agency Task Force ang resolusyon ng mga mayor.