Connect with us

Capiz News

Konsehal dismayado sa napabayaang dog pounding area ng Roxas City

Published

on

Nagpahayag ng pagkadesmaya si Konsehal Midel Ocampo dahil sa aniya sa napabayaang dog pounding area ng Roxas City. Sayang umano ang establisyemento at ang pera ng gobyerno para rito.

Ito ang naging pahayag ng lokal na mambabatas sa kaniyang privilege speech sa regular session ng Sangguniang Panglungsod nitong nakaraang linggo.

Ito daw sana ang sagot sa hindi matapos-tapos na problema sa mga stray dog sa syudad na nagiging sanhi ng mga aksidente sa kalsada.

Ayon sa opisyal, batay sa nakuha niyang datos, mayroong 75 kaso ng aksidente sa kalsada na kinasasangkutan ng mga stray dog sa lungsod noong 2019 habang nasa 41 naman umano ang kaso ngayong taon mula Enero hanggang Hulyo 26.

Sinabi ni Konsehal Ocampo na tila hindi na nabibigyan ng atensiyon ang problemang ito ng syudad lalo at naka-pokus na ang gobyerno sa pandemya.

Samantala, bilang tugon sa talumpati ni Ocampo, sinabi ni Konsehal Garry Potato at Konsehal Trina Ignacio na may legal na konplikto ang lupang kinatitirikan ng dog pound kaya nahinto ang operasyon nito.

Sa kabila nito, nanawagan naman si Konsehal Angel Celino sa mga may-ari na maging responsable naman sa kanilang mga alagang aso.

Sinabi naman regular presiding officer at Vice Mayor Erwin Sicad, dapat aniya ay bumuo nalang ng task force ang lokal na pamahalaan na manghuhuli sa mga asong gala at para ipatupad ang lokal na ordinansa kaugnay rito.

Continue Reading