Connect with us

Aklan News

AKLAN PROVINCIAL HOSPITAL MAY 5 PASYENTE NG DENGUE, 1 NAKA ICU

Published

on

Photo file: Diadem Paderes/Radyo Todo

May limang pasyente ngayon ng dengue na naka-confine sa Dr. Rafael S. Tumbukon Memorial Hospital (DRSTMH) at isa sa kanila ang naka-ICU (Intensive Care Unit).

Ang apat na pasyente na nagpapagaling sa isolation ward ay mula sa Brgy. Mantiguib, Makato; Brgy. Candelaria, New Washington; at dalawa sa Numancia na mula sa Brgy. Laguinbanwa at Camansi Sur.

Naka-ICU naman ang isa sa kanila na residente ng Brgy. Balabag, Malay.

Base sa huling datos ng Provincial Health Office (PHO), bumaba ng 87% ang bilang ng mga dengue cases sa probinsiya mula January 1 – July 11 sa taong ito.

Umabot lamang sa 347 ang kasong naitala ng PHO Aklan mas mababa kung ikukumpara sa 2, 706 na narecord sa parehong period noong 2019.

Sa kabila nito, sa isang media interview, nagpaalala si Provincial Health Officer Dr. Cornelio Cuachon Jr. sa publiko na huwag balewalain ang simpleng lagnat, ubo, sipon at rashes dahil ito ang mga sintomas ng dengue.

Nagbigay payo na rin ang mga infectious disease expert, sa mga magulang na dapat mag doble ingat dahil sa mga sakit na kaakibat ng panahon ng tag-ulan.