Connect with us

Antique News

8 MYEMBRO NG NEW PEOPLES ARMY, SUMUKO

Published

on

8 MYEMBRO NG NEW PEOPLES ARMY, SUMUKO photo 1

Antique – Walong myembro ng New Peoples Army (NPA) mula sa Northern at Central Front sa Antique ang sumuko at iprenisenta ng PNP at AFP kay Antique Gov. Rhodora Cadiao kaninang umaga.

Ayon kay Lt.Col. Joel Batara, Battalion Commander ng 61IB, 3ID gusto na umanong mamuhay ng normal ang mga ito kasama ang kanilang pamilya dahilan upang bumalik-loob sa gobyerno.

Simula rin umano ito ng panibagong buhay para sa mga surrenderee.

8 MYEMBRO NG NEW PEOPLES ARMY, SUMUKO photo 2

Ayon kay alyas “Joy”, 19 na taong siyang umanib sa rebeldeng grupo dahil sa kahirapan at ito umano ang unang kumausap sa kanila. Nahikayat umano siyang sumama dahil sinabihan silang lunas ito sa kanilang kahirapan dahil ipinaglalaban ang karapatan.

“Sa unti-unti naman habang tumatagal sa serbisyo, parang wala namang pagbabago at mas lalo pa noong magka-anak na ako, mas naging mahirap kaya sabi ko sa sarili ko sa 19 years, panahon na siguro para maalagaan ko naman ang mga anak ko at makita ko silang lumaki ng maayos,” dagdag pa ni alyas “Joy”.

8 MYEMBRO NG NEW PEOPLES ARMY, SUMUKO photo 3

Sa isang phoned-in message sinabi ni Antique Cong. Loren Legarda na sa simula pa man ay adbokasiya na niya ang peace relations sa bansa at nagsasagawa ng peace talks sa mga rebelde.

Ipinasiguro naman ni Gov. Cadiao na bukas ang kanyang tanggapan para sa mga dating rebelde kasama ang PNP, AFP, Provincial Government at Local Government Units.

Binigyan din ng cash assistance ang mga surrenderee ganon din ang mga livelihood programs mula sa provincial government at national agencies katulad ng DOLE, DTI, DENR , PSWDO at PPDO.