Connect with us

Aklan News

PAGPAPALAKAS SA IBA’T-IBANG SEKTOR, ISINULONG NI AKLAN 2ND DIST. CONG. HARESCO SA DELIBERASYON NG BAYANIHAN 2 ACT

Published

on

Walang hinto ang halos 8 oras na deliberasyon ng Bicameral Committee sa Bayanihan 2 Act noong Byernes, Aug. 14.

Sa nasabing deliberasyon, isinulong ni Aklan 2nd Dist. Cong. Ted Haresco, Jr., na palakasin ang sektor ng turismo, imprastraktura, livelihood, additional SAP at TUPAD assistance , scholarships, medical facilities, COVID testing centers at online learning.

Nasa kalahati na umano ng nasabing bill ang natapos na ng komitiba.

Muling nagconvene kaninang umaga ang Bicameral Committe para pag-usapan ang natitirang issues at ammendments sa naturang batas.