Connect with us

Aklan News

LALAKING WANTED SA KASONG ESTAFA, ARESTADO

Published

on

LALAKING WANTED SA KASONG ESTAFA, ARESTADO photo

Boracay — Arestado bandang alas 10:30 kahapon ng umaga sa Tambisaan Port, sa Manoc-manoc, Boracay ang isang lalaking wanted sa kasong estafa.

Kinilala ng Boracay PNP ang akusadong si Expedito Tapuz Jr., 58 anyos ng Sitio Pinaungon Ibabaw, Balabag, Boracay.

Inaresto siya ng mga pulis sa bisa ng warrant of arrest sa kasong estafa, sa ilalim ng Criminal Case No. 11-4667-19 na ibinaba at nilagdaan ni Hon. Bienvenido B. Almonte Jr., Presiding Judge, Municipal Trial Court, Pandi, Bulacan, 3rd Judicial Region, noong nakaraang November 19, 2019.

Pansamantala siyang ikinustodiya sa Boracay PNP Station para sa karampatang disposisyon, subalit pansamantala namang makakalaya kapag mapagpiyansa siya ng P30,000.00.