Connect with us

National News

P1 milyong pang-negosyo, puwedeng utangin ng OFWs — OWWA

Published

on

MAAARING UMUTANG ng hanggang P1 milyong kapital ang mga overseas Filipino worker (OFW) na gustong magsimula ng negosyo.

Sa inilunsad na “Tulong Puso Group Livelihood Program” ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), maaaring maghiram ang mga OFWs ng P100,000 hanggang P1 milyon depende sa kanilang ipapatayo na negosyo.

Layunin ng naturang programa na matulungan ang mga OFWs na umuwi ng Pilipinas bunsod ng pandemya.

Para maka-apply ng loan, kailangang walong miyembro ang bumubuo ng grupo, 80% sa kanila ay dapat mga legal na OFWs.

“Dapat well-organized ‘yung business. Sa application, makita natin na ‘yung organization ay maganda ang pagka-set up,” wika ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac.

Paalala pa ng OWWA, dapat ang itayong negosyo ay ang mga pinapayagan lamang mag-operate ngayong panahon ng pandemya.