Connect with us

National News

Clinical trials sa lagundi bilang COVID-19 supplementary treatment, aprubado na ng FDA

Published

on

INAPRUBAHAN na ng Food and Drug Administration (FDA) ang clinical trials sa tanim na lagundi bilang supplemental treatment sa COVID-19.

Inanunsyo ito ni Department of Science and Technology (DOST) Sec. Fortunato dela Peña.

Ayon kay Dela Peña, isasagawa ng Philippine General Hospital (PGH) ang nasabing clinical trial sa Quezon Institute quarantine center, Santa Ana Hospital sa Philippine National Police-NCR community quarantine center.

Dagdag pa niya, isasagawa ang clinical trial sa may mga mild cases.

“Yun pong sa lagundi, ang good news po ay naaprubahan na ng FDA ang clinical trials. Ito lang early this week naaprubahan,” ani Dela Peña.