Connect with us

Capiz News

Punong Barangay ng Tiza, Roxas City pinabulaanan ang tsimis na patay na ito

Published

on

Mariing pinabulaanan ni Punong Barangay Menong Albaladejo ng Tiza, Roxas City ang tsimis sa kanilang barangay na namatay na ito dahil sa sakit na COVID-19.

Nabatid na nagpapagaling pa sa Roxas Memorial Provincial Hospital ang opisyal matapos na ma-admit rito noon pang Agosto 20 dahil sa pabalik-balik na lagnat.

Aniya, negatibo ang resulta ng kaniyang swab test sa COVID-19. Habang negatibo naman sa rapid test ang mga miyembro ng kaniyang pamilya.

Mababatid na nitong Setyembre 1, namatay ang misis ng kapitan dahil sa matagal na nitong iniindang sakit sa kidney.

Wala rin aniyang katotohanan na COVID-19 ang ikinamatay ng kaniyang tiyahin taliwas sa tsimis sa kanilang barangay.

Ipinasasa-Diyos nalang ni Albadejo ang nagtsi-tsimis sa kanila. Nananawagan rin ito na huwag nang idamay pa ang namayapa na niyang asawa.

Ipinahayag naman ng Punong Barangay na walang transmisyon ng virus sa kanilang barangay.

Continue Reading