Connect with us

International News

Ikalawang Pinoy nasagip mula sa tumaob na cattle ship, nakilala na

Published

on

Japan Coast Guard 10th Regional Coast Guard Headquarters

NATAGPUANG BUHAY sa isang life raft ang isa pang Filipino crew mula sa tumaob na barko sa East China Sea.

Kinumpirma ito ng Department of Affairs.

Ayon sa DFA, conscious ang naturang survivor at nakakapaglakad.

Batay naman kay Labor Secretary Silverstre Belo III, kinilala ang Pinoy crew na si Jay-Nel Rosales.

Si Rosales ang sumunod na nailigtas kay Sareno Edvarodo.

Nauna nang sinabi ng Japanese Coast Guard na patuloy pang hinahanap ang 40 crew members na nawala noong Miyerkules matapos na tumaob ang barkong Gulf Livestock 1 dahil sa bagyo.

Lulan ng barko ang 43 crew members na mula New Zealand patungong China.

39 sa mga crew ay Pinoy habang ang 2 ay New Zealand nationals at ang 2 naman ay mula sa Australia.