National News
VP LENI ROBREDO, TINAWAG NA ‘INSENSITIVE’ AT ‘INSULTING’ ANG PLANO NG DENR SA MANILA BAY
Walang pakialam at nakaka-insulto sa mga Pilipino na naghihirap sa ngayong may pandemya ang plano ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na tambakan ng “white sand” ang Manila Bay.
Ito ang ipinahayag ni Vice President Leni Robredo sa nasabing plano.
Nauna ng ipinahayag ng DENR na P389 million ang magagastos sa nasabing plano para maiwasan ng mga tao ang pagtapon ng basura sa dagat.
Ayon sa bise presidente, madalas umanong sinasabi ni Pangulong Duterte sa kanyang mga press conference na wala ng pera amg gobyerno pero sa ngayon may pang ‘beauty’ pa umano ang ahensya.
Makailang beses namang nireject ng Durerte administraton ang suhesyon ng bise-presidente kung papano pa mapabuti ang COVID-19 response ng gobyerno kalakip na ang pagbibigay ng P5,000 sa mga mahihirap na pamilya dahil sa umano’y kakulangan ng pondo.