Connect with us

Aklan News

Expired na travel documents ng mga pauwing LSIs, ikokonsidera ng local government

Published

on

IKUKUNSIDERA ng pamahalaang lokal ng Aklan ang mga nag-expire na travel documents ng mga Locally Stranded Individual (LSIs) na nakatakda sanang umuwi bago maglabas ng advisory si Aklan Governor Florencio Miraflores kahapon.

Ayon kay Provincial Administrator Atty. Selwyn Ibarreta, maging sila ay naguguluhan na rin sa National Inter-Agency Task Force (NIATF) at Regional Inter-Agency Task Force (RIATF).

Matatandaan na naglabas ng advisory ang opisina ng gobernador kahapon may kinalaman sa pagsuspende ng biyahe ng mga LSIs sa Aklan alinsunod sa Resolution no. 69 ng NIATF noong September 7.

Kasunod nito, nilinaw ni Regional Task Force against COVID-19 Spokesperson Aletha Nogra na hindi lahat ng Local Government Units (LGUs) sa rehiyon ay sakop ng temporary suspension sa pagtanggap ng mga LSIs.

Bagamat naguguluhan, sinabi nito na sundin na lang muna ang advisory na inilabas ni Aklan Governor Florencio Miraflores kahapon hanggang sa makapaglabas na sila ng bagong advisory base sa advisory ng RIATF.

Isinigurado rin nito na tatanggapin nila ang mga expired travel documents ng mga LSIs na nastranded o naapektuhan ng mga pabago-bagong advisory.