National News
DOLE: Displaced workers, makakatanggap ng one-time cash aid sa 2021 budget
Makakatanggap ng one-time cash aid mula sa gobyerno para sa 2021 ang mga empleyado na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.
Inihayag ito ni Labor Assistant Secretary Dominque Tutay sa isinagawang budget briefing, sa House Committee Appropriations.
Aniya, kailangang i-stretch ng ahensya ang proposed budget na magsasakop ng iba pang aid programs para sa overseas Filipino workers at mga empleyado sa informal sector.
Mayroong total proposed funding na ₱11.1 billion ang Tulong Paghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced workers (TUPAD) program at COVID-19 adjustment measures program ng DOLE para sa susunod na taon.
Dalawang milyon na mga displaced workers ang makakatanggap ng assistance sa ilalim ng current budget proposal ayon kay Tutay.
Mababatid na una nang nagbigay ang DOLE ng 5,000 cash aid sa mga empleyado na apektado ng pandemya sa pamamagitan ng TUPAD matapos magsara ang mga negosyo at opisina dahil sa community quarantine sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.