Connect with us

Aklan News

Kauna-unahang kaso ng local transmission sa probinsya, kinumpirma na ng Aklan PHO

Published

on

Matapos ang mahaba-habang deliberasyon at talakayan, kinumpirma na ng Aklan Provincial Health Office (Aklan PHO) ang unang kaso ng local transmission sa probinsya.

Nagkaroon ng sipon si case no.34, isang staff ng DRSTMH noong August 31-September 8, 2020 at nilagnat ng 2 araw batay sa inilabas na pahayag ng PHO ngayong September 10.

Wala siyang travel history sa labas ng Aklan sa nakaraang dalawang linggo at wala ring naka-close contact sa mga nagpositibo sa sakit o mga suspected case.

Patuloy ang pagpapa-alala ng PHO na sundin ng publiko ang mga health protocols sa lahat ng oras.