Aklan News
Ikalawang kaso ng COVID-19 na naitala sa Batan, ‘recovered’ na
NAKAPAGTALA ang Batan Rural Health Unit ng ikalawang kaso ng COVID-19 sa nasabing bayan pero ito ay nahanay na sa ‘recovered’ confirmed case.
Batay sa opisyal na pahayag Batan Municipal Health Office, ito ang kaso ni WV 6264, 48 anyos, residente ng Cabugao, Batan, isang Returning Overseas Filipino (ROF) na mula sa UAE at dumating sa bansa nitong July 31, 2020 at isinailalim sa quarantine hanggang August 19.
Lumabas na positibo sa COVID si WV 6264 nitong August 10, dumating naman siya ng Aklan sa pamamagitan ng sweeper flight nitong August 21.
Pero idineklara na ng Batan Municipal Health Office na ‘recovered’ confirmed case ang kaso ni WV 6264 dahil ito ay nakarekober na at nakalabas na ng quarantine facility noong September 12.