National News
Pacquiao, sasagutin ang gastos sa 13 TV channels para sa distance learning ng DepEd
Sagot na umano ni Senator Emmanuel “Manny” Pacquiao ang gastos para sa 13 TV channel na gagamitin ng Department of Education (DepEd) ngayong darating na pasukan.
“Galing ako sa hirap kaya alam ko ang nararamdaman ng mga mag-aaral at mga magulang nila,” wika ni Pacquiao.
“Sa tulong ng mga nasa industriya ng telecommunications, nagawan namin ng paraan para me magamit na 13 TV channels ang DepEd nang walang gastos buhat sa gobyerno at mga estudyante,” pahayag nito.
Ayon sa tanggapan ng senador, naisumite na ang panukala sa DepEd. Anila si Tim Orbos ang namumuno sa naturang programa.
Batay sa datos ng DepEd, mayroong higit sa 24 milyong mga mag-aaral na ang nag-enroll ngayong academic year.
Continue Reading