Connect with us

Capiz News

DOH positibo ang naging feedback sa RT-PCR laboratory ng Roxas City

Published

on

Positibo ang naging feedback ng assessment team ng Department of Health (DOH) at ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa kanilang pag-inspeksyon sa RT-PCR laboratory ng Roxas City.

Ito ay batay sa pahayag ni Mayor Ronnie Dadivas kasunod ng inspeksyon sa relocatable containerized RT-PCR laboratory ng lungsod nitong Martes bilang compliance requirement para mabigyan ng license to operate.

“Nalipay kami sa City Government bangud positibo ang ila nangin feedback sa Engineering, Physical, Biosafety and Laboratory Readiness sang laboratory,” pahay ni Mayor Dadivas.

“May minor gaps nalang kita nga dapat pun-an agud mas mangin matalunsay ang operasyon,” dagdag pa ng alkalde.

Ayon pa kay Dadivas, pinuri umano ng assessment team ang hakbang ng lungsod para magkaroon ng sarili nitong RT-PCR laboratory.

Sinabi umano sa kaniya ni Dr. Jose Hueta ng assessment team mula sa DOH na maaaring magsimula na sa mga susunod na araw sa pagtesting ang laboratory kapag na-comply na ang kanilang rekomendasyon.

Agad itong susundan ng proficiency test sa pamamahala ng loboratoryo.

Muling sinabi ni Dadivas na sisikapin nito na makapag-operate na ang loboratoryo ng lungsod bago magtapos itong buwan ng Setyembre para mapabilis na ang resulta ng mga swab test ng mga suspected COVID-19 patients.

Continue Reading