Connect with us

Aklan News

Ayuda para sa mga taga Laserna, inihahanda na ng barangay

Published

on

Magbibigay ng ayuda ang barangay para sa mga residente ng C. Laserna St., Poblacion, Kalibo na nakasailalaim sa Granular Enhanced Community Quarantine (GECQ).

Ayon kay Poblacion Brgy. Captain Niel Candelario, bago paman maglabas ng Executive Order No. 64 si Mayor Emerson Lachica na nagdedeklara ng GECQ sa lugar ay nakapagpulong na ang council para magtalaga ng budget sa lockdown.

Nakabili na rin umano sila ng mga relief goods kahapon at nakahanda nang re-pack para ipamahagi sa mga residente.

Nangako na rin aniya ang alkalde at gobernador ng tulong para sa mga residente.

Kaugnay nito, mayroong kabuuang 1587 households sa buong C. Laserna St. mula sa Purok 1 hanggang Purok 6. Marami rin umano ang mga boarders na nakasama sa lockdown ayon kay Candelario.

Isinailim ni Mayor Lachica sa 14-day GECQ ang lugar dahil isa ito sa mga itinuturing na critical zone sa Kalibo. Nagsimula kagabi, September 20 ang GECQ at magtatapos sa October 5.