Iloilo News
Surgical lockdowns na lang ang ipapatupad sa mga barangay sa Iloilo City — Mayor Treñas
Surgical lockdown na lang ang ipapatupad sa mga barangay sa lungsod ng Iloilo na may mataas na kaso ng COVID-19 ayon kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas.
Paliwanag ng alkalde, kung ipapatupad ang lockdown sa buong barangay, hindi kakayanin ng lokal na pamahalaan na mag bigay ng pagkain sa lahat ng mga residente.
“Ang rationale sang total lockdown is ma-control ang transmission. Unfortunately it is impossible for us to give food assistance para sa tanan kun i-lockdown ta gid given the reasons and justifications sa IATF,” wika ni Treñas.
Aniya, ang mga kabahayan na lang o sitio na may COVID-19 cases ang isasailalim sa lockdown.
“Kun may lockdowns gid man, it will be surgical. Mahatag lang kita assistance for those nga na-lockdown. The rest can go on with their lives, makadto sa trabaho, maobra sila. Surgical lockdowns will be limited to the houses of those affected,” dagdag pa nito.
Magpapadala naman ng compliance officers at hihikayatin na mag tulong ang mga otoridad sa pagbabantay sa mga apektado na pamilya.
Mababatid na kahapon inanunsyo ng city government na isasailalim sa total lockdown ang 34 barangay.