Aklan News
COVID-19 cases sa Aklan umabot na sa 116
May kabuuang 116 na kaso ng COVID-19 na ang probinsya ng Aklan.
Sa pinakabagong datos ng Aklan Provincial Health Office (PHO), 23 na laboratory results ang lumabas kahapon kung saan 14 dito ang negative at 9 naman ang nagpositive.
Kinabibilangan ang 9 na bagong kaso ng 7 local case mula sa Kalibo at 2 Authorized Person Outside the Residence (APOR) mula sa Antique at Capiz.
Sa ngayon, mayroon ng 63 recoveries at 7 deaths ang Aklan. Patuloy naman ang pagpapagaling ng 46 na iba pa habang naka-quarantine.
Continue Reading