Aklan News
Brgy. ID system, Isinusulong ng konseho ng Poblacion, Kalibo
Nais ng Barangay Council ng Poblacion, Kalibo na isulong ang Brgy. ID system para sa kanilang mga nasasakupan.
Ayon kay Punong Barangay Niel Candelario, dati nang isinulong ni Kagawad Reygie Bongabong ang nasabing proposisyon pero naantala ito dahil sa National ID system.
Kaugnay nito, positibo naman umano ang naging reaksyon ng mga residente sa ginanap na public hearing kahapon.
Nakapaloob sa pinaplanong ID ang house number ng mga residente. Magagamit ito sa lahat ng transaksyon sa barangay, makakatulong sa mas mabilis na distribusyon ng ayuda tuwing may kalamidad ani kapitan.
Maliban dito, malaki rin aniya ang maitutulong nito sa contact tracing at peace and order lalo na ngayong may curfew.
Nilinaw ni PB Candelario na wala itong magiging implikasyon sa National ID dahil pang barangay lang ito.
Nakalusot na ito sa unang pagbasa at nakatakdang talakayin muli sa ikalawa at ikatlong pagbasa.
Sa oras na maaprubahan ang ordinansa ay agad na itong ipapatupad.