Aklan News
TAGA-BORACAY AT HINDI POLITIKO ANG MAGIGING ISLAND ADMINISTRATOR NG BIDA
“Sino po ang magmamahal ng Boracay kung hindi yung mga lumaki, yung mga nakakakilala talaga sa Boracay”-
Ito ang pahayag ni Cong. Eric Yap, Co-Author ng Boracay Island Development Authoriry Bill, sa usapin sa kung ano ang qualifications ng administrador ng Boracay sa oras na maging batas na ito.
Ayon kay Cong. Yap, hindi basta-basta na kukuha na lang ng politiko at ilalagay na mamumuno sa Boracay kasi masasayang lang umano ang mga ginawa ng National Government.
Aniya dapat taga-Boracay ang magiging administrador na may pagmamahal sa isla at may sapat na kaalaman sa turismo at pamamahala.
Dapat din umano na nakabase ang objective nito sa sustainability ng new Boracay, political will at zero corruption.
Kinumpirma naman ni Cong. Yap na si Pangulong Duterte pa rin ang syang mag-aapoint ng magiging administrador ng
Isla.