Connect with us

Aklan News

MOTOR BUMANGGA SA TRAYSIKEL, 4 SUGATAN

Published

on

Banga – Aksidenteng bumangga sa traysikel ang isang motorsiklo bandang alas 4:00 kaninang hapon sa Agbanawan, Banga kung saan 4 ang sugatan.

Sa police report ng Banga PNP, nabatid na isang Grade 10 Student ang binatilyong nagmaneho ng nasabing motorsiklo, habang nakilala naman ang driver ng pribadong traysikel na si Tito Barit, 63 anyos, pawang residente ng nasabing lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Banga PNP, pauwi na umano noon ang binatilyo galing sa bahay ng kanyang kaklase, nang aksidenteng makabanggaan ang nasabing traysikel.

Mabilis umano kasi ang pagpapatakbo nito sa makitid na kalsada, kung kaya’t nagpanic ito sa pagmamaneho nang makita ang kasalubong na traysikel, rason ng nasabing banggaan.

Dahil dito, sumemplang sa kalsada ang traysikel, rason din na nagtamo ng minor injury sa katawan ang binatilyo, habang sugat naman sa daliri ng kaliwang kamay ang tinamo ni Birit.

Kaugnay pa nito, sinasabing nagtamo din ng pinsala sa katawan ang pasaherong anak mismo ng driver na si Titalyn Apostol, 42 anyos na isang guro, at ang 7 taong gulang nitong na anak na babae, sanhi ng aksidente.

Kaagad naman silang dinala sa isang ospital ng mga residente sa lugar.

Samantala, nabatid pa sa imbestigasyon na hindi sana papayagan ng kanyang pamilya na magmaneho ng motorsiklo ang binatilyo, subali’t nakapagmaneho pa rin umano ito lamang makapunta sa bahay ng kaklaseng may internet connection para sa kanilang modular learning.