Connect with us

Aklan News

RT-PCR TEST NG MGA LSI NA UUWI SA AKLAN, LIBRE NA

Published

on

SASAGUTIN ng gobyerno ng Aklan ang gastusin sa swab test ng mga Locally Stranded Individual (LSI) na gustong umuwi.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Provincial Administrator Atty. Selwyn Ibarreta, ipapatupad nila ang pag swab sa lahat ng mga LSIs pagdating sa Aklan ngayong may sarili ng molecular lab ang probinsya.

Batay sa Section 2 ng EO No. 036-B ni Gov. Florencio Miraflores, kailangan kuhaan ng swab test ang mga LSIs pagdating ng Aklan bago isailalim sa 14-day quarantine sa mga DOH accredited facility ng kanilang uuwiang LGU.

Makakalabas naman agad ng mga quarantine facility ang mga ito sa oras na magnegatibo ang resulta ng kanilang test kahait hindi pa tapos ang 14 araw.

Tatlo lang ang requirement sa mga LSIs na nais umuwi, ang Travel Authority mula sa Joint Task force COVID shield, Letter of Acceptance at Medical Clearance Certificate.