National News
Mga ‘errors’ sa modules, maaari nang i-report sa ‘DepEd Error Watch Initiative’
Naglunsad ang Department of Education (DepEd) ng ‘DepEd Error Watch Initiative’ kasunod sa mga ulat na may mga mali sa learning modules ng mga estudyante.
Ayon sa DepEd layon nito na magtanggap at matugonan ang mga reklamo na makikita sa learning materials katulad ng printed modules, DepEd TV at DepEd Commons.
Inilunsad ito sa pangunguna ng Office of the Undersecretary for Administration bilang tugon sa mga natatanggap na reklamo.
Mababatid na nauna nang iniulat ng DepEd na may natukoy itong inisyal na 35 errors sa self learning modules sa unang linggo ng pasukan.
Maaaring magpadala ng ulat ang publiko kaugnay sa makikitang mali sa learning materials sa pamamagitan ng e-mail, text and Viber messages, Facebook Messenger at Workchat.
Email: [email protected]
Text and Viber: 0961-6805334
FB Messenger: DepEd Error Watch (@depederrorwatch)
Workchat: DepEd Error Watch