Iloilo News
P500 – P3,000 na multa para sa mga gumagamit ng karaoke at mga sound producing devises sa class hours, isinusulong
Isinusulong ni Committee on Education chairman Councilor Love Baronda na multahan ng 500 pesos hanggang 3,000 pesos ang sinumang gumagamit ng karaoke, videoke machines, speakers, amplified musical instruments at iba pang sound producing devices upang masiguro na hindi maiistorbo ang mga mag-aaral at residente sa oras ng klase.
Ayon kay Councilor Baronda, layon ng ordinansa na maiwasan na magimbala ang mga nagsasagawa ng online class at work from home kapag weekdays, mula 7:00 ng umaga hanggang 5:00 sa hapon.
Pinag-aaralan din ng konsehal kung paano ipatupad ang implementasyon at planong mabigyan ang otoridad sa pag-isyu ng citation tickets.
Umaasa naman ang konsehal na maipasa ang ordinansa bago magtapos ang buwan ng Oktubre.