Connect with us

Aklan News

Kalibo PNP, naghahanda na sa Undas ngayong panahon ng COVID

Published

on

Puspusan na ang paghahandang ginagawa ng Kalibo PNP ngayong nalalapit na ang Undas sa panahon ng COVID pandemic.

Pahayag ni PMaj. Belshazzar Villanoche, chief ng Kalibo PNP, bumibisita na sila sa ilang sementeryo sa Kalibo para tukuyin kung ilang katao ang kapasidad nito.

Pagkatapos ay lilimitahin lang nila sa 30% ang bilang ng mga taong papapasukin at hihintayin muna na may lumabas bago muling magpapasok ng bisita sa loob.

Maglalagay din sila ng mga pulis na magbabantay sa bawat entry at exit ng libingan.

Maliban dito, bawal din ang pagdala ng mga nakalalasing na inumin at iba pang mga bagay na ipinagbabawal na noon na dalhin sementeryo.

Isang linggo bago ang Undas ay magdedeploy na ng mga pulis sa lugar dahil inaasahan na nila ang pagdagsa ng mga tao lalo pa at isasarado ang sementeryo mula October 29 hanggang November 2 base sa EO 067 ni Mayor Emerson Lachica.