Connect with us

Aklan News

2 BAGONG COVID CASES, NAIRECORD SA AKLAN NITONG NAKARAANG WEEKEND

Published

on

Nasa dalawa ang bagong napaulat na nagpositibong Aklanon sa COVID-19 ngayong weekend.

Sa datos ng Provincial Health Office (PHO) hanggang October 17, umakyat na sa 140 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa Aklan.

Sa nasabing bilang, nasa 15 nalang ang aktibong kaso habang 118 naman ang nakarecover sa nakakahawang sakit.

Wala muling bagong napaulat na nasawi kaya nasa 7 pa rin ang COVID-19 related deaths sa probinsya.