International News
Guro sa France pinugutan ng ulo, malawakang protesta sumiklab
Sumiklab ang isang malawakang protesta na dinaluhan ng libu-libong katao sa France para kondenahin ang pagpatay sa gurong kinilalang si Samuel Paty.
Isinagawa ang kilos protesta sa Place De La Republique sa Paris kung saan bitbit ng mga tao ang karatulang may nakasulat na “I am a Teacher” sa salitang French.
Matatandaang pinugutan ng ulo ang guro ng 18-anyos na suspek na si Abdoulakh Abouyezidvitch matapos umano nitong ipakita sa kanyang mga estudyante ang cartoons ni Muhammad na propeta ng Islam.
Para sa mga muslim, ang anumang masamang pagsasalarawan sa kanilang propeta ay isang uri ng blasphemy o paglalapastangan sa kanilang relihiyon.
Samantala, napatay naman ng mga kapulisan ang suspek sa kanilang pagresponde.