Connect with us

Aklan News

59-ANYOS NA PRINCIPAL SA BURUANGA, TRENDING SA PAGSEMENTO SA ESKWELAHAN SA GABI

Published

on

PHOTO: Jose Elvis Lumbo

Usap-usapan ngayon sa social media ang 59-anyos na school principal ng Habana Integrated School sa Buruanga matapos madatnan na nagsemento sa paaralan alas-8:51 ng gabi.

‘I have to do what is best for the school’ saad ng punong guro na si Mr. Elmer Lumbo.

Ayon sa kanyang anak na si Jose Elvis, masipag na klaseng punong guro ang kanyang ama. Kadalasan ay hindi na ito nakakauwi sa oras ng pagkain para tapusin ang mga papeles sa eskwelahan.

Katunayan noong kaarawan nito lamang July 19, maaga pa siyang pumunta sa eskwelahan para diligan ang mga halaman.

Pinangunahan umano nito ang proyekto sa pagsemento ng hagdan sa paaralan para masiguro na tama ang pagkakagawa nito.

Kailangan aniya na ‘irip-rap’ ang paaralan para maiwasan ang soil erosion dahil medyo maburol ang kinalalagyan ng paaralan.

Nabatid na sampung taon nang nagseserbisyo bilang school principal ng Habana Integrated School si Mr. Lumbo.