Capiz News
Sidecar bumangga sa sa single na motor, 2 sugatan
Sugatan ang parehong driver matapos bumangga ang isang sidecar sa isang single na motorsiklo sa Brgy. Dingginan, Roxas City Martes ng hapon.
Kinilala ang driver ng motorsiklo na si Marwen Elep, 25-anyos, residente ng nasabing lugar habang ang driver ng sidecar ay isang 15-anyos na lalaki, residente ng Brgy. Balijuagan, sa lungsod ding ito.
Batay sa paunang imbestigasyon ng Roxas City PNP, nahulog sa kalsada ang sidecar, nawalan ng kontrol ang driver at nahagip nito ang kasalubong na motorsiklo.
Nagtamo ng sugat sa ulo ang parehong driver ng parehong sasakyan. Dinala ang mga ito sa magkahiwalay na ospital para gamotin.
Hindi naman nasaktan ang sakay ng sidecar na isa ring 15-anyos na lalaki na residente naman ng Brgy. Sibaguan, dito sa syudad.
Naka-impound sa Roxas City PNP Police Station ang parehong mga sasakyan para sa kaukulang disposisyon habang nag-iimbestiga pa ang kapulisan sa aksidente.