Connect with us

Aklan News

TRAYSIKEL, NABANGGA NG SUV, TATLO SUGATAN

Published

on

Tatlo ang sugatan matapos aksidenteng mabangga ng SUV ang isang traysikel pasado alas 7:00 kagabi sa highway ng Andagao, Kalibo.

Nakilala ang mga biktimang sina Nelson Nicodemus, 51 anyos na siyang driver ng traysikel, asawa nitong si Marita, at 16 anyos nilang anak na si Nathaniel, lahat residente ng Camanci Sur, Numancia, at ang driver naman ng SUV na si Angio Niño Vincent Rampola, 22 anyos ng Sta.Cruz, Bigaa, Lezo.

Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, galing sa direksyon ng New Washington ang pamilya papuntang Poblacion, Kalibo nang mabangga umano ang mga ito ng sumusunod na SUV.

Sa lakas ng pagkakabangga, bumaliktad ang traysikel na nilipad sa lalong mahigit 27 metro

Sanhi nito, nagtamo ng sugat at pinsala sa katawan ang mga biktima na kaagad dinala sa ospital.

Nabatid na hindi naman malubha ang sugat ng binatilyong biktima kung kaya’t agad itong nakalabas ng ospital, habang nakaconfine pa doon ang kaniyang mga magulang.
Pansamantala namang nasa kostodiya ng Kalibo PNP Station ang driver na si Rampola para sa karampatang disposisyon.

Nang makapanayam ng Radyo Todo, sinabi ni Rampola na naging ‘zero visibility’ ang kalsada sanhi ng malakas na ulan kagabi nang mangyari ang insidente rason na hindi niya nakita ang sinusundang traysikel, lalo pa’t wala rin umano itong ilaw sa likod.

Kanya ring itinanggi na nakainom siya ng alak nang gabing iyon.