Business
UTANG NG GOBYERNO, LUMOBO SA P7.8 TRILLION
Umakyat na sa P7.8 trillion ang kasalukuyang utang ng Pilipinas sa pagtatapos ng Hulyo 2019.
Sa datos ng Bureau of the Treasury (BTr), lumobo sa 10.8% ang utang ng gobyerno, o katumbas ng P760.47-billion na bagong loans.
Mas mataas ito ng 7% kung ikukumpara sa kabuoang utang na naitala noong 2018.
Nangangahulugan ito na nadagdagan ng P511.55 billion ang utang ng pamahalaan simula sa pagpasok ng 2019.
Sinabi ng BTr, na 32.7% ng mga utang ay mula sa foreign debt at 67.3% naman ang mula sa mga domestic loans.
Source: https://business.inquirer.net/278165/spend-spend-spend-borrow-borrow-borrow-govt-debt-now-p7-8t
Continue Reading