Capiz News
Llaver inalis bilang administrative officer ng CRC dahil sa mga reklamo ng mga inmates


Inialis muna ng gobyerno probinsyal sa Capiz Rehabilitation Center ang administrative officer na si Andreo Llaver kasunod ng mga isyu na ipinupukol sa kaniya ng mga inmates.
Mababatid na nitong mga nakalipas na araw ay pumutok ang isyu sa nasabing empleyado ng gobyerno probinsiyal na dinidiskartehan umano nito ang mga asawang babae ng ilang mga inmates.
Ayon kay Provincial Administrator Chinel Monares, ilalagay muna sa Office of the Governor si Llaver simula Nobyembre 24 habang iniimbestigahan ang kinasasangkutan nitong isyu.
Mababatid na nagsagawa ng kaguluhan ang mga inmates sa naturang jail facility para paalisin sa pwesto si Llaver.
Samantala, sinabi ni Monares na naglagay na ang gobyerno probinsyal ng drop boxes sa nasabing pasilidad para sa mga inmates na gustong magparating ng kanilang mga reklamo sa gobyerno probinsyal.
Bubuksan rin aniya ang linya ng telepono sa mga nais magparating ng kanilang reklamo sa loob ng CRC direkta sa Office of the Governor.