Connect with us

Aklan News

LALAKI, NATAGPUANG PATAY SA KANYANG KUWARTO

Published

on

LALAKI, NATAGPUANG PATAY SA KANYANG KUWARTO photo

Kalibo – Patay na nang matagpuan sa kanyang kuwarto ang isang lalaki bandang alas 4:30 kaninang hapon sa Oyotorong St., Poblacion, Kalibo.

Nakilala ang biktimang si Joseph Unlayao, 27 anyos ng nasabing lugar.

Ayon sa kanyang kuya na si Noriel, hinanap niya ang kanyang kapatid bandang alas 4:00 kaninang hapon dahil hindi niya ito nakita mula pa kaninang umaga.

Kaugnay nito, minarapat umano niyang akyatin na ang ikalawang palapag ng kanilang bahay upang tingnan doon ang kapatid.

Kuwento pa nito, may naamoy umano siyang mabaho, habang nasilip niya sa grills ng bintana na may patay sa loob ng kuwarto ng kapatid, na inakala umano nito noong una na ibang tao dahil may iba ring silang kaibigan na natutulog minsan doon.

Kasunod nito, tinawagan umano niya ang cellphone ni Joseph upang ipagbigay-alam ang nakita, subalit wala umanong sumasagot sa cp, na naroroon lang pala sa tabi ng bangkay.

Dahil dito, sinipa umano ni Noriel ang pintuan at pinasok ang kuwarto at doon na tumambad sa kanya ang wala ng buhay na kapatid na nakahiga at walang damit pang-itaas at nakaboxer short lang.

Tumawag na umano siya ng saklolo hanggang sa dumating ang mga pulis, at nakiusap na matingnan niyang mabuti ang tatoo sa kanang paa.

Doon na rin umano niya nakumpirmang kapatid niya ang bangkay, kung kaya’t ipinagbigay alam niya rin ito sa iba pa nilang pamilya ang nangyari.

LALAKI, NATAGPUANG PATAY SA KANYANG KUWARTO photo 3

Samantala, kaagad ding dumating ang mga taga SOCO at nagsagawa ng imbestigasyon, kung saan nalaman na walang foul play sa kanyang pagkamatay.

Kinumpirma din mismo ni Noriel na walang nawawalang gamit sa loob ng kuwarto ng biktima, habang dati na rin umano nitong idinadaing ang pananakit ng dibdid at hirap sa paghinga.

Continue Reading