Connect with us

Aklan News

QUARANTINE FACILITY NG MGA UUWING KALIBONHON, HINDI NA LIBRE

Published

on

Punuan na ang mga Ligtas COVID Center sa bayan ng Kalibo, dahil dito naglabas ng advisory si Mayor Emerson Lachica na ang mga uuwing Kalibonhon na ang magbabayad ng kanilang quarantine facility.

Nilimitahan na rin ng Local Government Unit ang pag-isyu ng mga Notice of Coordination para sa mga Locally Stranded Individuals (LSI) dahil hindi na maaccomodate ng mga LGU facilities ang dumaraming bilang.

Ngunit ayon sa advisory, maaari pa rin naman silang umuwi basta sasagutin nila ang sariling gastos sa kanilang tutuluyan.

Maaaring mag-quarantine ang mga LSIs at ROFs sa mga apartment, guesthouse/INN/ hostel, condotel, hotel o mga unoccupied/vacant house basta’t magpakita ang mga ito ng Proof of accommodation o Booking sa mga establisimento na aprobado ng Department of Health at Municipal Health Office.

Epektibo ang nasabing advisory simula December 2, 2020, samantala, ang mga indibidwal na nabigyan na ng Notice of Coordination bago ito ay hindi apektado ng nasabing probisyon.