Aklan News
LGU Kalibo, namigay ng libreng WiFi modems at load allowance sa 500 estudyante
Nakatanggap ng libreng Prepaid WiFi modems na may kasamang load allowances ang 500 college students na taga Kalibo mula sa lokal na pamahalaan.
Bahagi ito ng Project PEAK o Pandemic Educational Assistance for Kalibonhon na naglalayong matulungan ang mga kabataan ng Kalibo sa “new normal” na edukasyon.
Nakipag-ugnayan ang LGU Kalibo sa lahat ng colleges at universities sa probinsya ng Aklan upang makilala ang 500 Kalibonhon na karapat-dapat na bigyan ng modem at load allowance.
Nabatid kasama sa mga naging kwalipikasyon ng isang estudyante ay ang markang 2.0 pataas, indigent o miyembro ng 4Ps na may kapatid na nag-aaral pa.
Naglabas ng P750, 000 na pondo ang pamahalaan para sa naturang proyekto.
Nito lamang ika-4 ng Disyembre, sinimulan na ng LGU Kalibo ang pamamahagi ng mga ito sa pangunguna ni Mayor Emerson S. Lachica.