Connect with us

National News

VIDEOKE O KARAOKE SA BAHAY, PAPAYAGAN NA NG DILG NGAYONG HOLIDAY SEASON

Published

on

PAPAYAGAN na ngayong holiday season ang videoke o karaoke sa loob ng bahay basta’t magkakapamilya lang ang kasama ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Nilinaw ng DILG na ang ipinagbabawal lang ay ang pagbi-videoke sa pampublikong lugar o maramihang pagbi-videoke.

“We highly discourage iyong public karaoke. Pero kung kayo po ay dalawa o tatlo sa loob ng iyong bahay at kayo ay magkakaroke sa loob ng inyong tahanan ay sa tingin po namin ay wala naman pong masama diyan,” pahayag ni Interior Undersecretary Jonathan Malaya sa Laging Handa Public Briefing.

Nanawagan naman ang DILG sa mga local government unit (LGUs) na magpasa ng ordinansa na mag-ban sa videoke sa pampublikong lugar sa parating na Pasko at Bagong Taon dahil sa patuloy na banta ng pandemya.

Continue Reading