Sports
FIBA: GILAS ‘WINLESS’ PA RIN VS ANGOLA
Hindi pa rin pinalad ang Gilas Pilipinas sa 2019 FIBA World Cup group phase matapos talunin ng Angola sa overtime score na 81-84 kahapon sa Foshan, China.
Ito na ang ikatlong pagkatalo ng Gilas matapos ang huling dalawang talo nito sa Italy at Serbia.
Sa second half ng laro, nagawa pang angatan ng Pilipinas ang Angola na may 11-point lead.
Ngunit bigo pa rin ang Gilas na makuha ang panalo hanggang sa extra period.
Sa laro ng Gilas, nakagawa ang naturalized center Andray Blatche ng double-double na 23 points at 12 rebounds at CJ Perez ng 17 points assists.
Habang si Valdélicio Joaquim naman ay gumawa ng 20 points para sa African team.
Dahil sa pagkabigong ito, hindi na masusungkit ng Pilipinas ang ‘Best Team in Asia’ na siyang maging daan tungo sa pagbabalik sa 2020 Olympics sa Tokyo, Japan.
Gayunpaman, ang Gilas Pilipinas ay mapupunta na sa classification stage at tutungo sa Beijing upang harapin ang Iran at Tunisia sa byernes.
Source: https://www.gmanetwork.com/news/sports/basketball/706906/angola-keeps-gilas-pilipinas-winless-in-2019-fiba-world-cup/story/ https://radyo.inquirer.net/202260/gilas-winless-pa-rin-sa-2019-fiba-world-cup-matapos-talunin-ng-angola