National News
8-ANYOS NA BATA, UMORDER NG 100K NA HALAGA NG MOBILE GAMES
Isang 8-taong gulang na batang lalaki ang gumulantang sa kaniyang mga magulang matapos umorder ng mobile games na umabot sa P100,000 gamit ang debit card ng kaniyang mga magulang.
Ayon kay Julmar Grace Locsin, ina ng bata, nagulat siya nang matuklasan niya ang nasabing transaksyon habang nirerepaso ang bank statements ng kanilang family business.
Dagdag pa niya, hindi alam ng kaniyang anak na umabot sa 100K ang kaniyang order dahil ang buong akala umano nito ay free downloads ang mga ito.
Nangyari umano ito nang ipahiram ng kaniyang asawa ang cellphone nito sa kanilang anak noong nakaraang pasko.
Sa panayam ng isang pahayagan, sinabi ni Locsin na, “We control their tech time. They are only allowed two hours a day of mobile phones and the apps [that] they are allowed to use are only Superbook, Messenger Kids, and War Robots, especially for Tice because he loves robots. He would like to be a robotics expert in the future, so this is for us a way to empower that interest.” “I think within the app, you can buy certain stuff. So he started with that. Then he started to download the paid versions and other games as well. We did put restrictions because we use Google Play in buying paid movies [and] he thought those are all free, so he went to the best options,” dagdag pa nito.
Bilang disiplina, napalo umano ni Locsin ang anak, at kinausap nilang mag-asawa ang kanilang kabal. Naiintindihan umano nila na isa itong pagkakamali. Ipinaunawa nila sa mga anak ang nangyari, at ang kahalagahan ng pagsunod ng mga tagubilin ng kanilang mga magulang.
Paalala: ang larawan ay para sa illustrative purposes only. Hindi ito ang app na in-order ng bata.