Connect with us

Aklan News

AKUSADO SA KASONG ATTEMPTED HOMICIDE ARESTADO

Published

on

Boracay – Arestado ng Malay PNP, CIDG Intelligence Division at Aklan Maritime Police ang isang wanted person kahapon sa San Jose Romblon.

Nakilala ang akusado na si Renante Gabinete, 39 anyos at residente ng Brgy. Lindero, San Jose, Romblon.

Inaresto si Gabinete sa bisa ng warrant of arrest na may Criminal Case No. 2028-M sa kasong Attempted Homicide na ibinaba ni Hon.Cleo Marie C.Santillan Presiding Judge  of fifth  Municipal  Circuit Trial Court Sixth Judicial  Region Buruanga -Malay

P36,000 ang piyansa na itinakda ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng Malay PNP si Gabinete at nakatakdang i-turn over sa korte.